Monday kahapon wala akong pasok so I had the chance na manuod ng buong buong nung senate hearing kay Jun Lozada na matagal ko ng gustong mapanuod dahil sobrang interesting nung topic. I dunno why its so interesting to me? my friends said na "tanda mo na rc". oh well I dont care basta interesado ako. I spent almost 10 hours of my day watching that hearing. kain at jingle lang ang pahinga, sobrang entertaining niya yun lang.
So here's my opinion on the matter. Sa lahat ng napanood kong hearing na ganun magmula nung hearing ni erap up to this. I can say na Lozada is the most credible witness na nakita ko. Consistent siya sa mga statements niya mula pa lang nung prescon niya sa Lasalle up to now sa congress, at nakita ko sa execution niya na hindi siya nag iimbento ulike kila Mascarinias at Atuubo.
Yung hearing kahapon focused mainly on the kidnapping ang abduction case na sobra deny ng Pulis. Looking at the statement of Gen. Razon, mukhang wala talagang kasalanan ang pulis, pero ang hindi alam ni razon eh tinotorotot na siya ng mga tao niya kaya nagmumukha lang tanga si gen sa pagtatanggol sa kapulisan. Habang nakikinig ako sa pagtatanong kay Mascarinias (yung head ng grupo na kumuha kay Lozada from the airport) ay naatawa nalang ako kase talagang balibaliko ang mga sagot niya. Kahit ang mga senators eh naiinis na rin sa kanya dahil hindi talaga credible ang mga sinasabe niya dahil sa mga contradicting statements niya. as for Atutubo (airport official in charge) eh halos same lang sila ni Mascarinias. and lastly yung kay Atienza, eh hindi ako ganong interesado dahil wala akong makitang sense sa mga testimony niya.
To sum it up. based sa mga testimony na narinig ko on both sides kahapon eh lumalabas na isa itong operasyon na sumablay at ngayon si Lozada ang tanging living witness. Isang operasyon na may layuning patahimikin ang kaisaisang witness na may lakas ng loob para ilabas ang katotohanan. Makikita sa pangyayaring ito kung pano kinokontrol ng estado ang katotohonan para itago ang mga kalokohan nila. magmula sa pagtravel ni lozada para magtago sa senate hanggang sa pag balik niya ng Pilipinas ng hindi nalalaman ng immigration at ng senado. Mabuti na lamang talaga naging mailap ang media sa pagkawala niya, kung hindi maaring mawala na lang din si Lozada ng walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya.
ang mga nilagay ko rito ay pawang mga opinion ko lamang base sa napanuod kong hearing kahapon. ang haba noh? wala kase akong makakwentuhan kahapon eh. gabe na dumating tatay ko so di namin napagusapan. hahahah... kaya dito ko nalang ilalabas.
Monday, February 11, 2008
What a monday.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment